PRESSURED | Guiao, aminadong pressured bilang coach ng Philippine basketball team na sasabak sa Asian games

Manila, Philippines – Aminado si coach Yeng Guiao na pressured siya sa pagko-coach ng Philippine basketball team na sasabak sa Asian games sa Indonesia.

Pero sa kabila nito, tiniyak ni Guiao na mas magiging maganda ang performance ng national team.

Samantala, nabatid na isinama ni Guiao sa 14-player line-up sina Kobe Paras at Ricci Rivero.


Paliwanag ni Guiao, gusto niyang ma-expose ang dalawa sa mga international competition para lalong mahasa ang galing nila sa paglalaro.

Pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay sigurado na ang pagsabak ng dalawa sa Asian games dahil pipili lang ng 12 players na magre-represent sa bansa.

Facebook Comments