Nakahanda na si presumptive President Bongbong Marcos sa kanyang proklamasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa pulong balitaan dito sa Kamara, sinabi ng legal counsel ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na anumang araw na matapos ang canvassing sa boto sa presidente at bise presidente ay handang-handa na magtungo sa Batasan Complex si Marcos para sa kanyang proklamasyon.
Sinabi ni Rodriguez na kung palalawigin ng husto ang oras sa canvassing ng Kongreso ay posibleng alas-4 ng hapon o alas-6 ng gabi bukas ay matatapos na ang bilangan ng boto.
Kung sakali, bukas din ng gabi maipoproklama na sina Marcos at Sarah Duterte.
Tiwala si Rodriguez na dahil sa hindi inaasahang development kanina kung saan nag-manifest ang kampo ni Vice President Leni Robredo na hindi na kukwestyunin ang canvassing, tiyak umanong mas mapapabilis ang proseso sa bilangan ng boto.