Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, bantay sarado ng mga pulis habang isinasagawa ang bilangan ng boto sa pagkapangulo at pangalawang pangulo

79

Bantay sarado na ang Batasang Pambansa Complex sa Quezon City habang isinasagawa ng National Board of Canvassers (NBOC) ang bilangan ng boto sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.

Naka-deploy na sa paligid ng IBP Road ang pwersa ng kapulisan.

May naka-standby na ring mga truck ng bumbero at ambulansya.


Nasa paligid na rin ang mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon sa QCPD, inaaasahan nila na may magsasagawa ng kilos-protesta ngayong hapon.

Samantala, mabigat na daloy ng mga sasakyan matapos isara na ang parehong lane ng Batasan Road patungong South gate.



Pinapayuhan ng QCPD ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta para di maabala.

Facebook Comments