Sen. Pangilinan, sumunod na rin na nagpahayag ng pagtanggap sa magiging resulta ng canvassing sa boto ng presidente at bise presidente

441

Sa kalagitnaan ng canvassing ay ipinaabot ng legal counsel ni Sen. Kiko Pangilinan ang pagtanggap nito sa itinatakbo ng proseso ng bilangan ng boto.

Sa canvassing ng National Board of Canvassers o NBOC-Congress ay nangunguna sa bilangan si presumptive Vice President Sarah Duterte na kalaban ni Pangilinan sa posisyon.

Sa mga oras na ito, 32.95% o 57 sa 173 certificate of canvass o COCs ang naka-canvass ng Kongreso.


Patuloy pa ring nangunguna sa canvassing ang Uniteam tandem na sina presumptive President Bongbong Marcos at presumptive Vice President Sarah Duterte.

Wala pa ring naitatalang aberya ang NBOC sa ginagawang bilangan at pagtutugma ng mga boto.

Facebook Comments