Nagpadala na ang Department Of Trade & Industry ng notice of violation sa ilang retailers ng asukal na nananamantala ng presyo nito.
Sa pinaka huling monitoring ng ahensya may ilang nagbebenta ng P68 kada kilo ng asukal na mas mataas kumpara sa price range nitong P50-P55.
Ayon kay Trade Usec Ruth Castelo nakipag tulungan sila sa department of agriculture at sugar regulatory admn para sa pagpapadala ng notice of violation.
Paliwanag ni Castelo walang rason para tumaas ang presyo ng asukal dahil sapat naman ang suplay nito kahit na panahon ng tag init.
Facebook Comments