Presyo ng Bell pepper sa Ilocos Norte bumaba, Presyo ng karne ng baboy bumaba din

iFM Laoag – Namomroblema ngayon ang ilang magsasaka sa bayan ng Vintar sa Lalawigan ng Ilocos Norte matapos bumaba ang presyo ng produkto ng gulay sa pamilihan.
Umaabot nalang kasi ngayon ng 25 pesos per kilo ang presyo ng bell pepper mula sa 100 pesos per kilo. Plano pa ng ilang magsasaka sa nasabing bayan na ipamimigay na lamang ito sa mga kapit-bahay o bayan imbes na masira.
Ayun naman sa lokal na gobyerno, ito ay normal na pangyayari lamang sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sagana umano ang probinsya sa iba’t-ibang produkto gaya na lamang ng bawang, sibuyas at iba pang sangkap sa pagluluto at masagana din ang lugar ng mga gulay.

Samantala, bumaba narin ang presyo ng karne ng baboy sa lalawigan mula 360 pesos per kilo ngayon 330 pesos na lamang, ito ay bunsod parin ng maraming supply ng baboy sa Ilocos Norte. (Bernard Ver, RMN News)
Facebook Comments