COMELEC Chairman George Garcia, binisita ang isang mall sa Maynila para personal na makita ang huling araw ng voters registration

Binisita ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia ang isang mall sa Maynila para personal na makita ang huling araw ng voters registration.

Ito’y parte ng paghahanda para sa Barangay at SK Election sa October 2023.

Kaugnay nito, mulong iginiit ni Garcia na walang ng extension pa ng petsa ng pagpapa-rehistro pero handa naman silang palawigin ang oras ngayong huling araw.


Aniya, ang cut-off ay hanggang alas-3:00 ng hapon pero kung mahaba pa ang pila ay maari nila itong i-extend ng hanggang alas-9:00 ng gabi.

Maging ang mga lugar na sinalanta ng kalamidad tulad ng pagbaha ay hindi na rin magkakaroon pa ng special registration dahil halos lahat naman na ng apektadong residente ay nakapag-parehistro na.

Ikinatuwa naman ni Garcia ang resulta o bilang ng mga nagpapatala kung saan karamihan sa mga ito ay pawang mga kabataan.

Muling nanawagan ang COMELEC sa lahat ng mga hindi rehistrado na samantalahin na ang pagkakataon at magtungo na sa mga itinalagang registration sites upang magkaroon o magamit ang karapatan nilang bumoto.

Facebook Comments