Presyo ng bigas tuloy-tuloy na bumababa – DA

Sa panglabing isang magkasunod na linggo sa panahon ng Pasko, tuloy-tuloy na nagmura ang presyo ng bigas sa merkado.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA), sa dalawang magkasunod na linggo ng Disyembre, bumaba ng 0.64 at 0.61 percent ang retail prices ng regular-milled at well-milled rice.

Ang dating P45.65 kada kilogram ay nabibili na sa P41.90 sa pamilihan.


Gayunman, mataas pa rin ito ng 10.03 percent at 8.05 percent mula sa dating presyo noong 2017.

Ayon sa DA, sa sandaling maipasa ang Rice Tariffication Act, inaasahan na maibababa sa P6 kada kilo ang presyo ng bigas.

Facebook Comments