PRESYO NG BILIHIN | Inflation, posibleng manatiling mataas ngayong taon – BSP

Manila, Philippines – Posibleng manatiling mataas ang inflation rate o pagmahal ng mga bilihin at serbisyo ngayong taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, inaasahan na nila ang pinakamataas na inflation rate ngayong third quarter o mula Hulyo hanggang Setyembre.

Gayunman, kumpiyansa silang bababa ang inflation sa target na 2 hanggang 4 percent pagsapit ng 2019.


Matatandaang nitong Hulyo umabot sa 5.7 percent inflation rate na pinakamabilis na pagtaas sa loob ng limang taon.

Facebook Comments