Presyo ng bulaklak sa Dangwa Market, posibleng bumaba ngayong araw

Asahan na ng mga mamimili na posibleng bumaba ang presyo ng mga ibinebentang bulaklak sa Dangwa Market.

Ito’y ngayong araw ng Valentines Day kung saan maaari din na bumalik sa dating presyo ang mga ibinebentang bulaklak.

Sa ngayon, ang kada piraso ng rosas ay nasa P200 pero ang bundle nito ay nasa P1,500 habang wala naman pinagbago ang presyo ng kada piraso ng sunflower, stargazer, carnation at daisy na nasa P150 hanggang P250.00.


Nasa P1,500 hanggang P3,500 naman ang isang bouquet ng rosas pero depende pa rin ito sa design at mga kasama tulad ng stuffed toys o chocolate habang ang mga assorted flower ay nasa P1,000 – 2,500.

Ang kada piraso ng stuff toy ay nasa P120 hanggang P750.00; chocolate bouquet P300 – P1,500 at lobo ay P50 – P150.

Facebook Comments