Magpapalitan ng ‘I dos’ ang 44 na magsing Irog ngayong araw ng mga puso sa Mangaldan sa Kasalang bayan na programa ng lokal na Pamahalaan.
Bago ang espesyal na araw ng mga ito, sumailalim ang mga magkasintahan sa isang Marriage Orientation. Dito itinuro ang mahahalagang aral at responsibilidad ng pag-aasawa—isang mahalagang hakbang upang palakasin ang pundasyon ng kanilang pagsasama.
Para sa marami sa kanila, ang Kasalang Bayan ay hindi lamang isang simpleng seremonya kundi katuparan ng matagal nang pangarap.
Ang iba naman ay punong-puno ng pananabik sa bagong kabanata ng kanilang buhay bilang mag-asawa.
Samantala, ang naturang programa ay sa pangunguna ng Municipal Registrar’s office na isasagawa sa Mangaldan Public Auditorium. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments