Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong Pebrero

May aasahang bawas-singil sa kuryente ang mga customer ng Meralco ngayong Pebrero.

Bababa ng ₱0.01 per kilowatt hour ang singil sa kuryente bunsod ng pagbaba ng generation, transmission at system loss charges.

Dahil diyan, may ₱2.00 bawas-singil sa February billing ang mga customer na kumukonsumo ng 200kwh kada buwan.


₱3.00 naman sa kada 300kwh; ₱4.00 sa kada 400kwh at ₱5.00 kada 500 kwh.

Samantala, pinaghahanda naman ng Meralco ang mga customer nito sa posibilidad na mas mahal na kuryente sa Marso dahil sa ginagawang maintenance activity sa Malampaya Natural Gas Facility.

Facebook Comments