Manila, Philippines – Matapos ang pansamantalang roll back, nagbabadya muling tumaas ang presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo.
Tinatayang P0.15 hanggang P0.20 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel habang magmamahal din ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang presyo ng kerosene.
Posible namang hindi gumalaw o matapyasan ng P0.05 ang presyo ng gasolina.
Matatandaan nitong Martes lamang ay nagpetisyon ang ilang transport group na taasan na ang minimum fare ng jeepney sa P10 mula P8 dahil sa pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Facebook Comments