Presyo ng gasoline, tataas

Manila, Philippines – May pagtaas sa presyo ng gasolina habang matatapyasan naman ang presyo ng kerosene simula ngayong araw.

Nasa P0.20 ang halaga na itataas ng kada litro ng gasolina habang may bawas namang P0.15 kada litro ang kerosene.

Wala namang galaw ang presyo ng diesel.


Alas-12 ng hatinggabi ng ipatupad ito ng flying v habang alas-6 ng umaga naman ito magiging epektibo sa Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum at Shell Philippines.

Paliwanag ng Department of Energy, imported ang presyo ng petrolyo kaya apektado ito ng mga insidente sa pinagmulang bansa.

Samantala, naglabas naman ng bagong patakaran ang doe sa mga gasolinahan:

– Bawal ang paninigarilyo sa gas station
– Bawal ang magpakarga habang umaandar ang makina ng sasakyan
– Bawal ang paggamit ng cellphone habang nasa gasolinahan
– Bawal na may nakasakay sa motorsiklo habang nagpapakarga
– Bawal ang hindi awtorisadong container para lagyan ng petrolyo.

Ipapanukala din ng DOE ang pagkaroon ng malinis na banyo, CCTV at security guard sa lahat ng gasolinahan sa buong bansa.

Facebook Comments