
Hindi papayag si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa anumang kasunduan na makapipinsala sa interes ng Pilipinas at ng mga Pilipino.
Ito ang iginiit ng Palasyo sa gitna ng mga pangamba kaugnay ng proyektong Pax Silica.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sisikapin ng Pangulo na magkaroon ng patas na kasunduan na kapwa pakikinabangan ng Pilipinas at ng mga katuwang nitong bansa.
Binigyang-diin din ni Castro na hindi isasakripisyo ang kapakanan ng mga magsasaka at katutubo. Tiniyak din niyang batas ng Pilipinas ang masusunod sa anumang kasunduan.
Nilinaw pa ng opisyal na sa halos siyam na libong ektaryang lupang nakalaan sa proyekto, mahigit tatlong libong ektarya lamang ang maaaring pagtayuan ng mga imprastraktura.
Facebook Comments










