Presyo ng ilang consumer product, apektado na rin sa pagtaas ng presyo ng asukal – DTI

Apektado na rin ng pagtaas ng presyo ng asukal at ng umano’y kakapusan ng supply nito, ang presyo ng iba pang consumer product.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Ceferino Rodolfo, kabilang dito ang mga pruduktong maraming asukal tulad ng softdrinks, 3-in-1 coffee, pastry products, at mga fruit juice.

Ito ang tugon ng DTI ng tanungin hinggil sa ulat na tumaas na ang presyo ng sago’t gulaman at ensaymada sa gitna ng organizational meeting ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship.


Bukod pa dito, sinabi ni DTI Planning and Management Service Director Robert Arceo na ang pagkain at non-alcoholic beverages ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation rate o pagbilis ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Matatandaang noong Hulyo ay pumalo na sa 6.4% ang inflation rate sa bansa, na pinakamataas noong 2018.

Samantala, sinabi naman ng DTI na makakatulong sa pagpigil ng inflation rate ang mahigpit na pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments