FDA, bumuo ng task force na tututok para gawing “commercially available” ang mga bakuna kontra COVID-19

54

Bumuo ng task force ang Food and Drug Administration (FDA) na siyang gagawa ng hakbang para maging commercially available na ang mga COVID-19 vaccines sa bansa.

Pinangalanan ng FDA ang grupo bilang “Task force Edward” na base sa pangalan ng British physician na si Dr. Edward Jenner, na kilala sa kanyang immunization work.

Ayon kay FDA Director General Samuel Zacate, layunin ng task force na gawing ligtas, epektibo, at mas accessible ang mga bakuna para sa publiko.


Ang task force rin ang magsusuri at mag-aapruba sa mga bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments