Cauayan City, Isabela- Ikinagulat ng ilan sa mga mamimili ang biglaang pagtaas ng mga presyo ng gulay sa loob ng pribadong pamilihan ng Cauayan.
Ito ay dahil halos nasa mahigit sampung porsyento na ang itinaas sa presyo ng mga panindang gulay lalo na ang mga galing sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya at Benguet.
Ayon sa ilang maglalako sa loob ng private market, mataas kasi ang bentahan ng gulay sa Nueva Vizcaya at kakaunti lamang ang kanilang supply lalo na sa kamatis.
Bukod dito ay mataas din kasi ang presyo ng mga produktong langis na pangunahing ginagamit para sa pag-angkat ng mga panindang gulay.
Nanatili naman sa dating presyo ang repolyo, patola, upo, okra, sigarilyas dahil galing lamang ang mga ito sa mga karatig na bayan dito sa lalawigan ng Isabela.
Facebook Comments