Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ng ilang uri ng isda sa fish market sa Dagupan City sa pagtatapos ng 2024, kasabay ng pagdiriwang ng Holiday Season. Tumaas ang presyo ng babae at lalaking galunggong sa pagitan ng P150 hanggang P160, at P220 hanggang P240.
Ang bangus naman, mula sa dating P150 kada kilo, ay umabot sa P170. Gayunpaman, positibo ang pananaw ng mga fish vendor na babalik na sa normal ang presyo ng mga isda sa mga susunod na araw, dahil inaasahang magiging maayos na muli ang bentahan.
Samantala, nananatiling matatag ang suplay ng bangus sa merkado, at inaasahan din ang pagdami ng suplay ng galunggong, na makakatulong upang mapababa ang presyo ng mga ito.
Samantala, nananatiling matatag ang suplay ng bangus sa merkado, at inaasahan din ang pagdami ng suplay ng galunggong, na makakatulong upang mapababa ang presyo ng mga ito.
Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang presyo at suplay upang masigurong sapat at abot-kaya ang mga produktong isda para sa mga mamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments