Mataas pa rin ang ilang presyo ng isda sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Bahagyang tumaas ang presyo ng bangus na ngayon ay naglalaro sa P170 ang kada kilo, depende ito sa laking bibilhin.
Ang galunggong na mula sa P170 hanggang P180 sa kada kilo, ngayon ay nasa P270 hanggang P280 na.
Ayon sa ilang tindera ng isda, nararanasan umano ngayon ang kaunting suplay sa ilang mga produkto kaya tumaas ang presyo.
Umaasa ang mga ito na lalakas ang bentahan sa darating na buwan ng Abril kung saan higit na tatangkilikin ang fish products kasunod ng pagdaraos ng mahal na araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments










