26 na araw bago ang Pasko, lalo pang tumaas ang ilang Noche Buena items.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo, nasa isa hanggang limang porsiyento ang itinaas ng presyo ng mga bilihin.
Paliwanag pa ni Castelo, may sapat na dahilan para magtaas ng presyo ang ilang manufacturer at hindi talaga ito mapipigilan habang papalapit ang holiday season.
Kasunod nito, nananawagan pa rin si Castelo sa mga manufacturer at retailer na maghinay-hinay sa pagtaas ng presyo ng mga Noche Buena items.
Una nang kinumpirma ng DTI na tumaas ang presyo ng 195 sa 223 na Noche Buena items sa mga pamilihan.
Kabilang sa mga produktong nagtaas-presyo ay ang ham, queso de bola, pasta o spaghetti, elbow macaroni, fruit cocktail, salad macaroni, spaghetti, tomato sauce, at all-purpose cream.