Presyo ng isda, inaasahang tataas pa sa susunod na buwan

Inaasahang tataas pa ang presyo ang presyo ng isda sa pagpasok ng Disyembre.

Ayon sa mga tindera sa ilang pangunahing pamilihan sa Metro Manila, kakaunti kasi ang suplay ng isda ngayong buwan.

Anila, bunsod ito ng mataas na alon at malamig na panahon sa ilang karagatan kaya’t hirap na makapalaot ang mga mangingisda.


Posibleng tumagal ang taas-presyong ito hanggang sa unang linggo ng Enero 2022.

Una nang inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang passisimula ng closed fishing season sa mga karagatang sakop ng Visayan Sea

Facebook Comments