Cauayan City – Mula sa malagintong presyo, bumaba na ngayon ang halaga ng kamatis sa pamilihan sa lungsod ng Cauayan.
Sa naging panayam ng IFM News Team sa ilang mga nagtitinda ng kamatis sa Cauayan City Private Market, kung noong mga nakaraang linggo ay pumalo sa 240/kilo ang presyo ng kamatis, ngayon ay naglalaro nalang ang presyo nito sa P80-120 pesos ang kada kilo nito depende sa laki.
Ayon sa kanila, ang pagbaba ng presyo ay dahil sa muling pagdami ng suplay nito.
Kasabay ng pagbaba sa presyo, ikinatutuwa nila na mas madami na ngayon ang bumibili ulit ng kamatis dahil kaya na nila ang presyo nito ngayon.
Inaasahan sa mas bababa pa ang presyo nito sa mga susunod na araw depende pa rin sa magiging estado ng suplay.
Facebook Comments