Nagkakaroon na ng pressure sa presyo ng kuryente sa spot market.
Ito ang sinabi ng Department up of Energy (DOE) sa isinagawang press briefing ng ahensya.
Ayon kay DOE Secretary Raphael Lotilla, asahan na ang malaking bayarin sa kuryente ngayong panahon ng El Niño.
Mataas na rin kasi ang demand ng enerhiya bunsod na rin sa tindi ng init ng panahon.
Ani Lotilla, ginagamit na rin kasi ngayon ang mga planta ng kuryente sa mas mahal na operasyon dahil sa paggamit ng langis.
Apektado kasi ng mataas na temperatura ang mga thermal power plants.
Sinabi naman ng ahensya na umaaksyon naman ang pamahalaan mula pa noong unang buwan ng taon.
Kung maalala, una nang sinabi ng DOE na maituturing itong ‘state of calamity’ dahil marami na ring probinsya ang naapektuhan nito.
Samantala, binigyang diin naman ng ahensya na sineseryoso nila ang ganitong kinahaharap na problema ng bansa at nagtatrabaho sila para bantayan ang suplay ng kuryente.