Aminado ang Department of Agriculture (DA) na sobrang malayo na ang presyo ng lokal na bawang kumpara sa imported.
Sa inilabas na pahayag ng DA, nasa tatlong P300 na ang bentahan ng kada kilo ng lokal na bawang habang mula P80 lamang pataas ang presyo ng imported.
Ayon sa DA, ang presyo ang pangunahing dahilan kung bakit mas gustong bilhin ng mga konsumer ang galing sa ibang bansa kahit mas malasa at mas malakas ang aroma ng lokal na bawang.
Batay sa imbentaryo ng DA, sa ngayon ay halos paubos na ang suplay ng lokal na bawang sa bansa dahil na rin sa nagamit na ito sa nakalipas na holiday season.
Ang Ilocos Norte at Ilocos Sur pa rin ang nananatiling top producer ng bawang sa buong Pilipinas.
Paliwanag ng DA, 21 metriko tonelada lamang ang inaasahang aanihin sa Ilocos Region sa First Harvest Season ngayong Febrero, habang madaragdagan ito ng 3,947 metriko tonelada pagdating ng buwan ng Abril mula sa 22 Garlic-Producing Towns ng Ilocos.
Dagdag pa ng DA, na noong 2021 ang total production ng lokal na bawang sa buong bansa ay nasa 5,890.14 Metric Tons lamang na malayong-malayo sa kabuuang total demand na 139,509 metriko tonelada.