Sumipa ang presyo ng ilang produktong karne sa ilang pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa Calasiao, ang manok, naglalaro sa P230 hanggang P240 sa kada kilo habang ang baboy nasa P390 hanggang P400 ang per kilo.
Nananatili naman sa P380 hanggang P420 ang presyo ng baka.
Sa Dagupan City, ang manok nasa P200 hanggang P220 habang ang baboy, mula sa P350, ngayon naglalaro ito sa P370 hanggang P380.
Ayon sa ilang meat vendors, nararanasan ang patuloy umanong taas-babang presyo sa mga karne ngayon.
Dahil din sa taas presyo, nararanasan ang pagkatumal ng bentahan.
Samantala, wala namang nakikitang kakulangan sa suplay ng produkto hanggang sa kasalukuyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments