Nakikipag-ugnayan na ang Department of Agriculture sa attached agency nila na in charge sa suplay ng mantika.
Ito ay dahil sa sumbong na diumano tumataas ang presyo ng mantika kada buwan.
Sa isang panayam sinabi ni Department of Agriculture (DA) Usec. Kristine Evangelista na kausap na nila ang Philippine Coconut Authority (PCA) para matukoy ang supply situation ng mantika.
Nakabatay kasi aniya sa sitwasyong ito kung anong hakbang ang kailangang ipatupad ng departamento para matugunan ang problema sa presyo ng mantika, halimbawa ay kung kailangang magtakda sila ng suggested retail price o SRP.
Sinabi pa nito na hindi pa nila masasabi sa ngayon kung may kakulangan sa suplay ng mantika o baka naman may kinakaharap lamang na hamon tulad ng problema sa logistics.
Maigi aniyang hintayin na muna ang magiging report ng mga attached agency na may kaugnayan dito tulad ng PCA.