Wala pa rin pagbabago sa presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market sa lungsod ng Maynila.
Nabatid na mas maraming suplay ng bulaklak ang dumarating sa Dangwa mula Baguio pero kakaunti pa lamang ang namimili dito.
Isa sa posibleng dahilan na kanilang nakikita kaya kakaunti pa ang mga bumibili ng bulaklak ay nakatutok ang lahat sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Paliwanag ng mga may-ari ng tindahan ng bulaklak sa Dangwa, inaasahan nila na daragsa ang mga ang mga mamimili pagsapit ng October 31 o isang araw bago ang Undas kaya’t patuloy ang ginagawa nilang paghahanda rito.
Nananatili pa rin sa P250 ang kada isang dosena ng rosas habang ang mga bulaklak na nasa maliit na paso o centerpiece ay nasa P100.
Ang mga bulaklak na tinatawag na one sided ang design o pagkaka-ayos ay pumapalo sa P400-P500 kung saan ang isang basket ay nasa P450 na kaparehas ng presyo isang bouquet ng rosas.
Ang mga tinatawag na decorated flowers ay nananatili sa P700.00 habang ang korona ay umaabot ng P2,000 hanggang P5,000 depende sa sukat at disenyo.