3 indibidwal kabilang ang 2 kandidato sa BSKE 2023, patay sa pamamaril sa Cotabato City

Patay ang tatlong indibidwal kabilang ang dalawang kandidato sa pagka-barangay kagawad sa pamamaril sa Rosary Heights 12, Cotabato City.

Sa ulat kay Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region Director Police Brigadier General Allan Nobleza sa Kampo Krame, kinilala ang mga biktima na sina Nur-Moqtadin Butucan at Alfar Singh Ayunan Pasawiran, kandidato sa pagka-barangay kagawad at Faisal Abas.

Nasugatan naman ang dalawang iba pa.


Sa inisyal na imbestigasyon, nagkakabit ng campaign posters ang mga biktima nang pagbabarilin ng mga suspek.

Agad nagsagawa ng operasyon ang awtoridad kung saan naaresto ang 12 indibidwal kabilang ang isang pulis.

Nakuha sa kanila ang springfield armory cal .45 pistol, beretta 9mm pistol, cal 5.56 armalite rifle, mga bala at dalawang handheld radio.

Facebook Comments