Wednesday, April 8, 2026

Presyo ng mga pangunahing bilihin, hindi tataas sa buong buwan ng Abril

Mananatili ang kasalukuyang presyo ng mga pangunahing bilihin hindi lamang hanggang sa April 16 kundi maging sa buong buwan ng Abril.

Ito ang inanunsiyo ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Cristina Roque sa Kapihan sa Manila Bay kasunod ng meeting nila kasama ang kinatawan ng manufacturer noong Lunes.

Ayon kay Roque, pumayag ang mga manufacturer na huwag muna galawin ang presyo hanggang katapusan sa kabila ng epekto ng patuloy na pagtaas ng halaga ng petrolyo

Kabilang sa mga produktong ito ay sardinas, corned beef, meatloaf, pinoy pandesal, sabong panlaba at iba pa.

Pinayuhan naman ng kalihim ang mga mamimili na kunin ang listahan ng 205 mga produkto na sakop ng basic necessities and prime commodities na hindi pa tataas ang mga presyo para magsilbing gabay sa pamimili.

Facebook Comments