Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.
Ito ay matapos maglabas ang DTI ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga pangunahing bilhin, gayundin sa mga school supplies sa pagsisimula ng face-to-face classes.
Ayon kay DTI Secretary Alfredo Pascual, kinakailangang sundin ang SRP alinsunod sa Republic Act 7581 o Price Act.
Dapat tiyakin din aniya na abot kaya pa rin ang mga bilihin sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.
Tiniyak naman ni Pascual na hahabulin nila ang mga mananamantala at mga lumalabag sa price freeze, kasunod ng deklarasyon ng State of Calamity o Emergency.
Mula Enero 2020 hanggang Hulyo 2022, nasa siyam ang inihaing administrative cases ng DTI dahil sa paglabag sa price freeze, habang nakapagpalabas na rin sila ng Letters of Inquiry sa mga lumalabag sa SRP.