Cauayan City, Isabela- Halos doble ang itinaas ng presyo ng mga pangunahing gulay at karne ng baboy sa Lungsod ng Cauayan.
Kabilang sa mga gulay na sumipa ang presyo ay ang sitaw na mabibili na ngayon sa presyong 100pesos kada kilo mula sa dating presyong 40pesos.
Maging ang talong ay nasa 80-100 pesos na kada kilo mula sa dating presyo na 40-50 pesos.
Ang kamatis ay tumaas sa presyong 90-100 pesos kada kilo mula sa dating presyo na 30 hanggang 40pesos per kilo.
Hindi naman gumalaw ang presyo ng isda, karne ng baka ngunit ramdam ang dobleng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy na umaabot na sa halagang 260-280pesos kada kilo dipende sa klase.
Bagamat umaaray ang mga mamimili sa mga presyo ngayon sa gulay at pork products at ramdam din ito ng mga vendors kabilang ang mga maliliit na talipapa at karinderya.
Matatandaan na una nang ipinagbabawal sa Lungsod ang pagpasok ng anumang produkto ng baboy maging ang mga live hogs mula sa ibang mag bayan ngunit sa kasalukuyan ay pinapayagan na ng lokal na pamahalaan ang pagpasok ng mga baboy mula sa mga lugar na walang kaso ng ASF.
Ito ay upang mapunan ang kakulangan ng supply ng baboy sa Lungsod na nakikitang dahilan ng pagtaas ng presyo.