Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas ng dalawang piso!

96

Manila, Philippines – Hanggang dalawang pisong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang sasalubong sa mga motorista bukas, January 15.

Sa abiso ng Shell at PTT Philippines, P2.30 ang ipatutupad nilang price hike sa kada litro ng diesel habang P1.40 sa gasolina.


May dalawang pisong dagdag din ang shell sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo ngayong taon na nagkaroon ng oil price hike.

Kaugnay nito, nangangamba ang ilang motorista at tsuper sa nakaambang oil price hike dahil sa posibilidad na sumabay ito sa inaasahan ding dagdag-presyo bunsod naman ng ikalawang tranche ng fuel excise tax.

Mahigpit naman ang paalala ng Department of Energy na maaari lang ipataw ng mga oil company sa kanilang bagong stock ang panibagong dagdag-buwis sa langis.

Facebook Comments

From Advertisers