Presyo ng noche buena products, hindi dapat itaas ngayong kapaskuhan

Hindi pabor si Committee on Economic Affairs Chairperson Senator Imee Marcos na itaas ang presyo ng mga noche buena products ngayong nalalapit na kapaskuhan.

Tugon ito ni Marcos sa apela ng mga manufacturer na magdagdag sila ng 1% to 3% sa presyo ng ilang popular na noche buena items.

Giit ni Marcos, dapat manatili sa kasalukuyang presyo ang mga handa sa tradisyonal na noche buena dahil sa mababang exchange rate, umiiral na price freeze at mababang transport cost.


Pakiusap ni Marcos sa mga manufacturer, huwag na munang magtaas ng presyo sa gitna ng pandemya habang naghihikahos ang mga Pinoy dahil nawalan ng trabaho at kita.

Giit ni Marcos sa Departmenf of Trade and Industry (DTI), tanggihan ang apela ng mga manufacturer at mahigpit na ipatupad ang price freeze habang umiiral pa ang pandemya.

Pinapasuri rin ni Marcos sa DTI ang inventory ng mga retail store dahil nakatambak na ang mga suplay ng noche buena products sa kanilang warehouses simula noong June.

Facebook Comments