Presyo ng pangunahing bilihin, tiniyak ng DTI na hindi tataas

Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi gagalaw ang presyo ng basic commodities at prime commodities sa bansa.

Ito ay sa harap ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa world market dulot pa rin ng gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DTI Under Secretary Ruth Castelo na alam ng ahesya ang pag-aray ng consumers sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Pero wala aniyang magbabago sa presyo ng mga pangunahing bilihin hangga’t hindi ito naaprubahan ng DTI.

Pinag-aaralan aniya muna ng DTI ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin bago ito i-publish at habang wala pang paggalaw sa mga presyo ay babantayan ng DTI ang mga negosyante kung sumusunod sa Suggested Retail Price o SRP bulletin.

Samantala, tiniyak naman ng bagong DTI secretary na si Secretary Fred Pascual na tuloy-tuloy na pagagandahin ang sistema sa DTI.

Ilan aniya rito ay gagawing digital ang mga transaskyon sa ahensya para hindi maantala ang aplikasyon ng mga negosyanteng kumukuha ng permit para mag-operate ng negosyo.

Facebook Comments