Presyo ng produktong petrolyo – tataas na naman bukas!

Manila, Philippines – Magpapatupad ng panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis bukas.

Nasa P0.90 ang inaasahang dagdag-presyo sa kada litro ng gas habang P0.55 naman sa diesel.

May dagdag-presyo rin sa kerosene na aabot sa P0.75.


Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng oil price adjustment ang mga kompanyang Flying V, Shell, Phoenix Petroleum, PTT, Jetti, Seaoil, Petron, Unioil, Clean Fuel, at Metro Petroleum.

Ang panibagong dagdag-presyo ay bunsod ng patuloy na pagmahal sa presyo ng oil products sa pandaigdigang pamilihan.

Facebook Comments