PRESYO NG PULANG SIBUYAS SA PRIBADONG PAMILIHAN NG CAUAYAN CITY,TUMAAS

Pumalo na sa dalawang daan at walumpung piso kada kilo ang bentahan ng pulang sibuyas sa pamilihan ng Lungsod ng Cauayan.

Ayon kay alyas Nenang, isa sa mga nagtitinda ng mga panggisa sa Primark, nabigla umano sila sa pagtaas ng presyo ng mga ibinabagsak sakanila kabilang na rito ang pulang sibuyas.

Hindi rin umano nila alam ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga panggisa ngunit maaaring isang dahilan na nakikita sa pagtaas nito ay ang pagnipis umano ng suplay.

Maaari rin aniya na nasira ang ilang taniman ng mga sibuyas na kung saan kumukuha ang kanilang mga suplayer.

Samantala, kabilang rin sa mga tumaas ay ang presyo ng kamatis na naglalaro na ngayon sa P140 mula sa dating presyo nito na nasa P100 lamang.

Kaugnay nito, pailan-ilan rin ang namataang nagbebenta ng puting sibuyas na nagkakahalaga parin ng nasa P400 kada kilo sa nasabing pamilihan, bunsod parin ng kawalan ng suplay nito.

Facebook Comments