ISANG WANTED SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO

Arestado ang isang lalaking nahaharap sa kasong pagpatay sa Barangay Busilelao, Echague, Isabela, nitong ika-8 ng Nobyembre taong kasalukuyan.

Kinilala ang nasabing suspek na si Jayvee Julian, 23-taong gulang, binata, walang trabaho, at residente ng nabanggit na lugar

Naaresto ang nasabing suspek bandang 10:20 ng umaga nitong Martes sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Echague Police Station katuwang ang RGSC PRO2, PIU IPPO, at ng 205th MC, RMFB.

Nadakip ang naturang suspek sa bisa ng isang warrant of arrest para sa dalawang (2) bilang ng kasong Frustrated Murder.

Kaugnay nito, nagkakahalaga naman ng nasa P200,000 ang halaga ng inerekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Facebook Comments