Inaasahan ni House and Ways Committee at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na bababa na sa P50 ang presyo kada kilo ng sibuyas sa bansa.
Sa ngayon ay nasa P300 hanggang P700 kada kilo ang halaga ng sibuyas na ayon kay Salceda ay bunga ng hoarding na ginagawa ng mafia.
Sabi ni Salceda, kinontrol na agad ng mafia ang mga pumapasok na sibuyas sating pantalan, tulad sa Subic kung saan may 50 container umano ng sibuyas na unti-unting dinadala sa merkado.
Ayon kay Salceda, makakatulong sa pagbawas sa presyo ng sibuyas ang aangkating sibuyas na inaasahang darating sa bansa sa January 27.
Nakatitiyak si Salceda na malapit nang magsimula na maging normal ang presyuhan ng sibuyas sa bansa.
Facebook Comments