DepEd, naglabas ng statement sa batang napatay ng kapwa estudyante sa paaralan sa Quezon City

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Education – National Capital Region (DepEd-NCR) sa pamilya ng menor de edad na estudyante na sinaksak at napatay ng kapwa menor de edad na estudyante sa Culiat High School sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa DepEd-NCR, hawak na ng mga awtoridad ang suspek na estudyante.

Habang ang iba pang estudyante na nakakita sa insidente ay sumasailalim na rin sa psychological first aid.


Nagbibigay na rin aniya sila ng assistance sa pamilya ng biktima.

Magpapatupad din ang departamento ng mga stress debriefing sessions sa mga guro at estudyanteng nakasaksi sa krimen.

Facebook Comments