Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na bababa na ang presyo ng sibuyas sa pagpasok ng bagong taon dahil hihina na ang demand nito.
Sa ngayon kasi ay nasa ₱290 hanggang ₱300 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, tiwala silang magsisimula ng bumaba ang presyo nito dahil nagsimula na ang anihan sa Tarlac at Pangasinan.
Habang sa mga susunod na buwan din ay magsisimula ng mag-ani ang mga magsasaka sa Mindoro.
Dahil dito, inaasahan ng DA na magiging mataas na ang supply nito sa susunod na taon.
Facebook Comments