PRESYO NG SIBUYAS SA MERKADO SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, PATULOY SA PAGBABA

Tuloy tuloy na ang nakikitang pagbaba ng presyo ng sibuyas sa merkado sa lalawigan ng Pangasinan ng Department of Trade and Industry o DTI.
Nasa P150-200 na ang kada kilo ng nito na ikinatutuwa naman ng mga mamimili partikular sa lungsod ng Dagupan.
Bagamat mababa na ang presyo nito sa mga pamilihan ay nangangamba pa rin ang ilang vendors sa lungsod dahil sa mga dayong nagbebenta ng sibuyas sa murang halaga.

Samantala, asahan pa ang patuloy na pagbaba ng presyo dahil sa mga darating pang mga pag-aani na nasasabayan pa ng pagpasok ng mga imported na sibuyas. |ifmnews
Facebook Comments