Nararanasan sa lungsod ng Dagupan ang unti-unting pagbaba sa presyo ng ilang gulay. Sa ngayon, ang talong, doble na ang ibinaba nito kung saan mula sa P70 hanggang P90 pesos sa kada kilo, ngayon ay nabibili na ito sa P40 hanggang P50.
Sunod-sunod daw kasi ang harvest nito na dahilan ng pagbaba ayon sa mga tindera. Mababa na rin ang presyo ng kamatis kung saan mula sa P60 to P70 noon, ngayon ay nasa P30 to P40 na ang kada kilo. Bumaba rin ang presyo ng cauliflower na nasa P40 to P50 na.
Samantala, inaasahan ng mga mamimili ang pagbaba pa sa presyo ng mga gulay lalo umano ngayong nagtataasan ang presyo ng karne. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments







