Nagbabadyang tumaas ang presyo ng tinapay kabilang na ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal dahil sa pagtaas sa presyo ng harina.
Ayon kay PhilBaking President Johnlu Koa, lagpas 30 porsiyento ang itinaas sa presyo ng harina kaya posibleng tumaas ng P2 ang presyo ng tinapay na kanilang uutay-utayin.
Sinabi naman ni Philippine Federation of Bakers member Chito Chavez na pwedeng gawing utay-utay ang dagdag-presyo sa tinapay.
Pero kailangan aniyang ipaliwanag nang maayos sa consumers ang taas-presyo.
Facebook Comments