Presyo ng tinapay, tataas na naman!

Tataas na naman ang presyo ng tinapay.

Ayon kay Asosasyon ng Panaderong Pilipino Director Jam Mauleon, ang muling pagtaas ng presyo ng tinapay ay dahil na rin sa mataas na presyo ng asukal.

Sinabi ni Mauleon na maapektuhan sa price adjustment ang mga panadero na palaging gumagamit ng asukal sa halos lahat ng klase ng tinapay.


Paliwanag kasi ni Mauleon na kailangan nilang magpatupad ng dagdag presyo sa tinapay upang maka-survive ang kanilang hanapbuhay.

Samantala, nag-abiso na rin ng dagdag presyo sa mga supermarket ang mga manufacturer ng 28 produkto kahit hindi ito kabilang sa basic goods.

Kinumpirma ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo na nalalapit na ilabas ang desisyon hinggil sa hiling na taas-presyo ng ilang basic goods na noon pang administrasyon inihain.

Kasunod nito, tiniyak din ni Castelo na sakaling maaprubahan ng DTI ay hindi naman ganun kataas ang magiging dagdag-presyo sa ilang mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments