Wanted na Chinese drug trafficker na papalit-palit ng pangalan, arestado

261
Photo Courtesy: National Bureau of Investigation Facebook Page

Naaresto na ng mga otoridad ang wanted na Chinese national na matagal ng nagtatago sa batas.

Kinilala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Frank Chua na nahatulan ng life imprisonment matapos mahulihan ng 58 kilo ng shabu.

Itinanggi pa niya na siya si Chua at nagpakilala sa pangalang Tsai Jung Shui at gumamit din siya ng pangalang Tsai Rong Chang.


Nagsagawa muli ng “comparative examination” ang NBI-Dactyloscopy Division sa mga fingerprints nito at muling tumugma ito sa record ni Chua.

Si Chua ay nagtago sa iba’t ibang bahagi ng bansa bago siya tuluyang natunton ng mga otoridad.

Facebook Comments