Preventive suspension, hiniling na ipataw na kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo

Manila, Philippines – Umapela si 1-ANG Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro na ipag-utos na ang pagpapataw ng preventive suspension kay Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Giit ni Belaro, may kapangyarihan ang Gobernador ng Albay na suspendihin ang isang elective official na saklaw ng lugar na nasasakupan nito.

Salig ito sa Section 60 hanggang 68 ng Chapter 4 ng Local Government Code.


Sinabi ng mambabatas na dapat atasan na ngayon ni Pangulong Duterte ang Gobernador ng Albay na ipataw ang suspensyon sa Alkalde pati na rin ang ibang civil servants na sabit sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Samantala, pinatitiyak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga otoridad ang pagbibigay hustisya para sa pamilyang Batocabe.

Facebook Comments