Price cap sa baboy at manok, hanggang April 8 pa – DA

Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) na mananatili hanggang April 8, 2021 ang price ceiling sa baboy at manok.

Alinsunod ito sa inilabas na Executive Order No. 124 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda ng 60-day price cap sa mga karneng baboy at manok para mapigilan ang pagtaas ng presyo nito.

Ayon kay DA Secretary William Dar, malaki ang naitulong ng EO sa napakaraming mahihirap na residente ng Metro Manila.


Kung tatanggalin ang price ceiling, tiyak aniyang tataas na naman ang presyo ng mga karneng baboy dahil na rin sa epekto ng African Swine Fever (ASF).

Samantala, hindi rin pinagbigyan ng kalihim ang hirit ng mga nasa hog industry na itaas ang price cap dahil tiyak aniyang tataas din ang farmgate price.

Facebook Comments