Primary suspek sa pagpatay kay Los Baños, Laguna Mayor Ceasar Perez, nahuli sa Baguio City

Nakakulong na ngayon ang Primary suspek sa pagpatay kay Los Baños, Laguna Mayor Ceasar Perez matapos mahuli ng mga pulis sa Baguio City nitong November 2.

Batay sa ulat ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang nahuling primary suspek ay si Norvin Tamisin na naaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay.

Siya ay nadakip sa Bareng Drive Bakakeng Sur, Brgy Bakakeng, Baguio City ng mga tauhan ng CIDG Batangas at CIDG Baguio.


Si Tamisin ay number 6 most wanted person sa Police Regional Office 4-A (Calabarzon).

Siya umano’y primary suspek pagkamatay ni Mayor Perez noong December 3, 2020 sa mismong harap ng municipal hall.

Sa ngayon ay nasa CIDG Batangas Office na ang suspek.

Facebook Comments