Prinsesa ng Thailand, hindi pinayagang tumakbo sa pagka-punong ministro

Thailand – Diskwalipikado na para tumakbo sa general elections sa susunod na buwan bilang punong ministro si Princess Ubolratana Rajakanya.

Ito ay matapos sabihin ng kanyang kapatid na si King Maha Vajiralongkorn na ang kanyang nomination sa inaasam na posisyon ay “hindi nababagay” para sa isang miyembro ng maharlika.

Ayon sa Thai Electoral Commission, na ang monarkiya ay dapat manatiling mataas sa pulitika.


Nakasaad sa batas ng Thailand na kapag naisumite na ang pangalang tatakbo ay hindi na ito maaaring bawiin – subalit, may kapangyarihan pa rin ang electoral commission na magdesisyon hinggil sa legitimacy ng mga kandidato.

Nabatid na inanunsyo ng 67-anyos na prinsesa na tatakbo siya bilang prime ministerial candidate para sa Thai Save The Nation Party.

Facebook Comments